Thursday, June 8, 2017

Pangalawang Tala :)


     Ika-siyam na araw ng buwan ng hunyo taong dalawampu't labing pito - Araw ng Biyernes.
Katulad ng panahon kahapon ay umuulan nanaman. Kay sarap mahiga sa cleopatra chair ng radio station na aking pinagtatrabahuan. (hindi po ako tamad lunchbreak ko po) Pero dahil ako'y likas na maganda, Imbes na mahiga ay binuksan ko  na lamang ang aking blogger account. Habang tumutugtug ang musikang k-pop. Naisipan ko ng isulat ang aking pangalawang tala.
                 
     Nais kong ibahagi ang aking napanaginipan kagabi. Lilinawin ko lamang na ako'y isang babae. Lalaki po ang nakakakuha ng aking interes ngunit maging ako'y nalilito dahil may mga pagkakataong nahuhumaling ako sa Lesbian. Hindi yung tipong pa-feeling boyish lang, hindi yung tipong mas makapal pa lipstick sayo. Nope. Lesbian, yung mga tipong hindi mo na kakakitaan ng bakas ng pagiging babae. Ganun.
     So, balik na tayo sa panaginip ko. Napanaginipan ko kagabi ang aking Lesbian crush. Hindi ko na maalala kong tungkol saan pero yung pag-gising ko andun yung pakiramdam na gusto ko siyang makita at makasama, which is imposible because my girlfriend na sya and committed na rin ako.
     I decide to share this on my blog because wala na akong ibang mapagsabihan. Yung pakiramdam na gustong-gusto mo ikwento pero natatakot ka sa mga mapanghusgang komento ng mga pagsasabihan mo?

         
          Ang gusto ko lang naman malaman ay kung saan pwede mapanoud episode ng goblin pwera youtube? Kamsahamnida :*

HAHAHAHAHAHA :)

                  Change topic agad? Pasenya na. Ganun po talaga personality ko, biglang magseseryoso then biglang change of mood na hihihi:*

                   Naguluhan ako bigla, sabi ko kanina ibabahagi ko ang tungkol sa panaginip ko with my lesbian crush tapos biglang di ko na maalala hihihi :* Mian-heo


     Dito na po nagtatapos ang aking pangalawang tala. Maraming Salamat sa paglaan kaunting minut para ito'y mabasa :* Sa uulitin !






                                                                                                                   Dyosang Dj

       




No comments:

Post a Comment